Kelan nga ba natin inumpisahan ang ating kasaysayan?
Mga alaala’y tila nawaglit na sa isipan
Hindi ko man sadya ako ay patawarin
Sa labis na pagmamahal ako’y unawain.
Sa iyong pagtatanong kung kailan nga ba iyon
Ako ay napatda't napaisip ng malalim
Kailan nga ba? tanong ko din sa akin.
Dali dali kong kinuha nakatagong kalendaryo
Tiningnan ko isa isa bawat petsa nito
Binuklat, unang pahina’y b’wan ng enero
Hanggang marating ko b’wan ng agosto
Unang araw nating dalawa para magkakilala “date” nga kumbaga
Buong araw na magkaulayaw at magkasama
At naging napakasaya nating dalawa.
Kapag mayroong exam, tayo’y lumalabas
paboritong tambayan ay pinupuntahan
duon inaaral mga leksyong natutuhan
sinehan ang bagsak kapag nagkatamaran
Sunod na b’wan ay ating napagpasyahan
Circle at Park at wildlife naman ating napagdiskitahan
Tanda ko pa nuon sa bisekleta ako’y nasemplang.
Pasan mo akong sa wildlife patungo
Ngunit napakamalas nama’t kamag-anakan mo’y di natin nasilayan.
Tiyak kong di malilimutan ating out of town
Problema’t kung anu pa’y kinalimutan
Setyembre noo’y katapusan
Sa pagakyat sa ating pagkakakilanlan
Umuusbong na damdamin ating nararamdaman
Oo ko’y gusto ng marinig
ngunit ito’y aking pinagkait
Maghintay ka muna’t wag kang mainip
Isang bwan pa’t hiniling kong sign ay dumating
Ako ay masaya at oo’y nakamtan mo na.
Dito nagumpisa, unang parte ng ating istorya.
Nobyembre noong ika’y magkasakit
Akala na’y dengue ngunit isa lamang arte
Hindi pala malala kelangan lang ay alaga
Kaya’t pumunta ako’t ika’y kinalinga
Aking pinagaling at binigyan ng kispirin
sumapit aking kaarawan
Muntik ng magkalabuan
Dahil sa hindi nagkaintindihan
akala ko nama’t dahil sa yun naman pala’y
ako’y sosorpresahin mo lamang
disyembre nuon kasama ang barkada
laguna, antipolo at batangas pa
ay talaga namang napakasaya nating dalawa
at sa ating ikatlong buwanibersaryo
nakatanggap ako isang regalo galing sa iyo
na nagsasabing totoo ang nararamdaman mo.
Nahaplos ang puso ko ng mapanuod ko ito
Oo nga at totoo nga ito.
Mabilis ang paglipas ng araw
Mahal pa rin kita At mahal mo rin ako
Pag-ibig sa puso’y nananatiling buo
Mga pagsubok na dumating, Humahadlang sa atin
Lahat naman sana’y ating kayanin.
- ymon
No comments:
Post a Comment